Hi. Sorry kung bangag. Pagod galing sa lessons + iyak + stress + hyperventilation syndrome. Ako yung babaeng kahit nanghihina na, nagagawa parin tumawa… because this girl is stronger than you think she is.

Thursday night: Nag-dance lesson ako at nung pabalik na ako sa kotse bigla akong napahawak sa kaibigan ko, si Angel, dahil di ko na talaga kinaya. Muntik na akong mabagok dahil nasa kalsada na kami nung napaupo ako. Sumasayaw palang ako nung gabing yun iba na pakiramdam ko pero wala eh, tinuloy ko parin. Tinanong pa ako ni sir kung okay lang daw ba ako kasi napansin niya atang namumutla na ako. Ayun, di na ako makahinga tapos yung mama ko panic mode. Sinakay ako sa car at wala na akong maalala. Basta ang sabi ni Angel lahat ng madaanan ni mommy na sasakyan binubusinahan niya dahil di niya mahanap yung hospital kasi raw wala na nga yung mama ko sa tamang kondisyon at wala na rin tao sa kalsada dahil super late na nun. Panic mode nga diba. Buti nalang daw malapit kami sa Capitol dahil nasa may ABS lang naman kami galing. Tinakbo ako sa ER tapos ewan ko na. Sobrang nanghina ako tapos ang naaalala ko nalang tinanggal yung bra ko para makabit yung mga wires chuchu sa upper body ko then nilagyan ako ng oxygen mask. Ewan. Andami pang nangyari kaso sobrang private na yun. Basta masaya ako dahil nakaka-regain na ako ng lakas. Thank you, Lord. 

  1. callmeyce posted this