Yung lalaking hindi takot sa mommy ko. =))
May kwento ako. Kasi dati yung ex-MU ko super ka-close yung mama ko. As in sagad. Yung tipong si mama pa mismo nag-iinvite kay guy pumunta dito sa bahay kahit ako ayoko. HAHAHA.
Sa tuwing nagkakatampuhan kami nung ex-MU kong yun, kay mommy kaagad siya tatakbo tas ako pa ang isusumbong. Dejoke, parang kay mommy siya nag-oopen up tapos sasabihing namimiss na raw ako. Kaya ito namang si mommy kakausapin ako tas sasabihing makipag-ayos na raw ako tapos okay na ulit kami.
Feeling ko nga dati mas close pa sila ng mommy ko eh. Yung mommy ko kasi hot at mukhang teenager lang. Pag magkasama kami, akala nila kapatid ko siya. Ang cool lang pag di natatakot yung mga lalaki kong kaibigan sa mom ko. Mabait at mapagbigay mom ko, period.
