Nagpromise ako sa sarili ko na bago ako mamatay, dapat alam ko ng tugtugin lahat ng usual na instrumento. <3

Madalas sinasabi sakin na over-achiever nga raw ako pero para sakin hindi pa ako sapat. Marunong na akong mag-gitara, mag-piano at mag-flute, bass at beatbox. Kulang ko nalang ay ang matuto akong tumugtog ng violin. Sa summer ko gagawin yun.

Ako yung babaeng di kagandahan pero malaki ang ibubuga pagdating sa talento. Yun ang kinasanayan ko eh. Dun nalang ako lumalaban. Kaya ginagawa ko lahat para ma-perfect ang skills ko. Musically inclined ako pero ang forte ko talaga ay pagsasayaw. Susunod dun ang acting at panghuli naman ang pagtugtog ng instrument at pagkanta.

May rason kung bakit sobrang nagpapakahirap ako sa ganitong bagay. Dito lang ako may laban eh.

  1. callmeyce posted this